Gumamit ng mga serbisyo ng lokasyon at GPS

Maari mong pagamitin ang telepono mo ng GPS, mga Wi‑Fi network, and mobile network para matantya ang iyong lokasyon. Ang mga app na may pahintulot mo ay maaring gamitin ang impormasyong ito upang ihatid ang mga serbisyo na batay-sa-lokasyon, gaya ng kakayahan na mag-check in, tingan ang trapik sa pagbiyahe, hanapin ang mga malapit na kainan, o i-tag ang mga litrato mo na may lokasyon kung saan mo kinunan ito.

Upang kontrolin kung aling impormasyon ng lokasyon ang maaaring gamitin ng iyong telepono:

  1. Pumunta sa Mga Setting > LOKASYON.
  2. I-on o i-off ito upang bigyan o tanggalin ang permiso na gamitin ang lokal na impormasyon mo. Kapag patay ang switch, hindi mahahanap ng telepono mo ang tiyak na lokasyon o ibahagi ito sa anumang mga app. Gayunpaman, sa pagpatay nito hindi pinagagana ang maraming kapaki-pakinabang na tampok at app.
  3. Pindutin ang Mode at piliin kung paano tatantiyahin ang iyong lokasyon:

    • gumagamit ng Napakatumpak GPS, Wi-Fi, mga mobile network, at serbisyo sa lokasyon ng Google upang makuha ang pinakatumpak na lokasyon.
    • gumagamit ang Pagtitipid ng baterya ng mga pinagmumulan ng lokasyon na hindi masyadong gumagamit ng baterya (Wi-Fi, mga mobile network, at serbisyo sa lokasyon ng Google).
    • Device langgumagamit lang ng GPS. Maaring gumamit ang mode na ito ng baterya at mas matagal.

Apps na gumagamit sa iyong lokasyon

Upang makita kung aling apps ang kamakailang nag-access sa iyong lokasyon:

  1. Pumunta sa Mga Setting > LOKASYON.
  2. Sa ilalim ng MGA BAGONG HILING SA LOKASYON, repasuhin ang lista ng mga app na kamakailan lang natanggap ang lokasyon mo. Ipinakikita ng bawat app gumagamit man ito ng malakas na paggamit ng baterya o mahinang pagggamit ng baterya para matanggap ng impormasyon ng lokasyon.
  3. Upang i-uninstall ang isa sa apps o baguhin ang mga setting nito, pindutin ang app sa listahan.