Ang mga tuntunin na kailangan mong malaman
- Airplane mode
- Ang mode na pinapahintulutan ang access sa mga hindi-wireless na functionality (hal. musika, laro, atbp.), habang idini-disable ang wireless radio nito na bawal sa mga eroplano habang bumibiyahe.
- app
- Software na maaring mong i-download para sa dagdag na functionality, gaya ng mga laro, bar code scanner at marami pa. Nasa telepono mo na ang ibang app, at marami pang maaring i-download mula sa app store ng telepono.
- Bluetooth™
- Magagamit ang short-range na wireless technology para ikonekta ang device sa ibang malalapit na mga Bluetooth capable na device at aksesorya, gaya ng mga headset, speaker, printer, atbp. Gamitin ang Bluetooth para sa mga hands-free na tawag gamit ang headset o sa kotse mo, makinig ng musika sa mga wireless speaker, gumamit ng wireless mouse o keyboard, o mag-print ng dokumento sa ibang kwarto. I-set up ang Bluetooth.
- cellular network o mobile network
- Isang network ng mga radio-transmitting tower. Maaari kang tumawag sa telepono mo gamit ang mga radio wave na ipinapadala sa pagitan ng telepono at mga tower ng network. Nagpapadala ka rin ng data at ina-access mo ang Internet sa network na ito. Ang mga carrier ay gumagamit ng iba't ibang teknolohiya upang pangasiwaan ang mga radio transmission na ito (GSM, CDMA, Edge, 3G, 4G, LTE, HSPA, iDEN).
- data
- Ang mga impormasyon na naipadala o natanggap mula sa iyong telepono liban sa mga tawag at mga mensaheng text. Puwede kang gumamit ng data kapag nag-a-access ng internet, tumingin ng iyong email, maglaro, gumamit ng apps at marami pang iba. Mga background task, tulad ng pag-sync o mga serbisyong lokasyon, ay maaari ring gumamit ng data.
- GPS
- Global Positioning System. Ang global satellite-based system para sa pagtukoy ng tumpak na mga lokasyon sa Mundo.Gamit ang GPS, nagiging navigator ang telepo mo kapag nagmamaneho at concierge mo kapag naghahanap ng malapit na kakainan, pelikula, o tasa ng kape.
- mobile hotspot
- Isang device o app na pinapayagan kang magbahagi ng koneksyon ng mobile data mo sa maraming device gamit ang Wi-Fi. Maaring ikonekta ang ibat-ibang mga device sa hotspot mo, kabilang ang mga notebook, netbook, MP3 player, camera, Smarphones, at mga sistema ng portable game. Ang bilang ng mga device na maaring kumonekta ng isahang beses ay depende sa iyong carrier at bilis ng koneksyon.
- NFC
- Wireless technology na naglilipat ng impormasyon sa pagitan ng dalawang magkatugmang device. I-tap ang mga device nang sabay-sabay para ibahagi ang mga web adress, contact info, apps, mga lokasyon ng GPS at marami pa.
- notification
- May alerto mula sa iyong telepono o isang app sa iyong telepono. Pinapakita ng telepono mo ang mga icon sa bar ng katayuan para abisuhan ka ng mga bagong message, kaganapan sa kalendaryo at mga alarma. Maaring ipahiwatig ng mga icon ang kasalukuyang katayuan, tulad ng koneksyon sa Wi‑Fi network.
- pag-sync
- Ang proseso ng pagbabahagi ng parehong impormasyon sa maraming device at website. Ang mga contact, kalendaryo at email ay karaniwang sini-sync sa pamamagitan ng mga cloud service, nang sa gayon ay maaari kang maglagay ng impormasyon sa isang device at ma-access ito sa pamamagitan ng iba.
- paggamit ng data
- Ang halaga ng data na na-download o mga na-download sa cellular/mobile network sa tinakdang panahon. Depende sa plano mo sa carrier, maaring pagbagbayarin ng karagdagan kapag lumampas sa buwanang limitasyon ng plano ang paggamit mo ng data.
- Play Store
- Store ng Google kung saan maaari kang mag download ng apps, mga aklat, mga pelikula at musika. Pumili mula sa samu't saring libreng aklat o apps; bumili mula sa isang mas malaki pang pagpipilian.
- SD card
- Secure Digital (SD) card. Isang maliit, mataas na kapasidad na natatanggal na memory na ginagamit sa isang maliit, portable na mga aparato tulad ng mobile na telepono, tablet, at mga digital camera.
- short cut
- Isang icon na maaari mong idagdag sa iyong home screen na nagbibigay-daan sa iyong buksan ang isang app. Gumawa ng mga short cut para sa apps na ginagamit mo nang madalas.
- SIM card
- Subscriber Identity Module (SIM) card. Isang card na ligtas na nagtatago ng impormasyon na ginagamit ng carrier mo para patunayan ang telepono mo sa cellular network.
- status bar
- Manipis na bar sa itaas ng iyong home screen na nagpapakita ng mga oras at icon na sinasabi sa iyo ang tungkol sa baterya at network na koneksyon ng iyong telepono Ipinapakita ng apps ang mga icon sa status bar upang alertuhan ka ng mga kaganapan, tulad ng mga bagong mensahe
- update sa software
- Karaniwang kasama sa update sa operating system ng telepono mo ang mga bagong tampok at pag-aayos sa mga inulat na problema. Dina-download ang update ng wirelessly sa iyong telepono ng walang dagdag na gastos sa iyo.
- Visual Voice Mail
- Isang app na nagbibigay-daan sa iyong makakita ng listahan ng iyong mga voice mail message at pamahalaan ang mga iyon nang hindi kinakailangang mag-dial sa tradisyunal na voice mail system. Maaari mong pakinggan, sagutin, burahin at i-archive ang iyong mga mensahe. Maaari ka ring tumawag at mag-text sa, at magdagdag ng mga bagong contact.
- widget
- Isang elemento na maaari mong idagdag sa iyong home screen na nagbibigay sa iyo ng mabilis na access sa impormasyon o madalas na gawain. Halimbawa, ang mga widget ay maaaring magbigay ng update sa panahon, mga paparating na kaganapan sa kalendaryo, at kakayahan upang mabilis na i-on at off ang Wi-Fi o ayusin ang liwanag ng iyong screen. Marami ang mga paunang na-install na sa iyong telepono. Maaaring may kasamang mga widget ang mga app na na-download mo
- Wi‑Fi
- Ang short-range wireless technology na nagbibigay ng high-speed na koneksyon ng Internet sa wireless data na mga device. Maraming mga lokasyon ang nag-aalok ng mga koneksyon ng Wi-Fi, kabilang ang mga airport, hotel, restoran at iba pa. Gamit ang koneksyon ng Wi-Fi sa halip na ang mobile network mo ang makakatulong para mapababa ang paggamit mo ng mobile data. Dapat ding malaman na maaring hindi ligtas ang ilang mga pampublikong koneksyon. Kumonekta lamang sa mga pinagkakatiwalaan at gumamit ng mga internet security sa mga device mo. I-set up ang Wi-Fi.
Depende sa network at maaaring hindi available sa lahat ng lugar ang ilang partikular na tampok, serbisyo at apliccation.