Para mabago ang kinakailangang uri ng seguridad para ma-unlock ang telepono pagkatapos nitong mag-sleep:
Pindutin ang Pag-lock sa screen at piliin ang uri ng lock na gusto mo:
Mag-swipe: Pinipigilan ang hindi sinasadyang pag-dial ngunit hindi ginagawang secure ang telepono. I-swipe ang
pataas. Huwag itong piliin kung gusto mong gumamit ng pinagkakatiwalaang Bluetooth device.
Kung gumagamit ka ng isang PIN, password, o pattern, gawing mas madali ang buhay sa pamamagitan ng Smart Lock:
Puwede mong itago ang iyong PIN, password, o pattern para hindi makita ng iba kapag ina-unlock mo ang iyong screen.
Kung nakalimutan mo ang iyong screen lock at nag-set up ka ng Motorola ID, mula sa computer pumunta sa motorola.com/support at gamitin ang tampok ng nawalang telepono para i-reset ang iyong screen lock.
Kung gumagamit ng Google account ang iyong telepono, maari mo ring mai-reset ang iyong screen lock sa pamamagitan ng pagpunta sa google.com/android/devicemanager mula sa computer.