Awtomatikong mag-update ng apps

Madalas na naglalathala ng mga updated na bersyon ang mga developer ng kanilang mga app, ang pagdadagdag ng mga bagong tampok o pag-aayos ng mga isyu. Kapag binuksan angPlay Store, magtitingin ang telepono mo kung may magagamit na mga updated na bersyon ng apps. Para sa ibang apps, dapat manwal mo itong i-update. Ibang mga app, gayunman, maaring i-set na awtomatikong mag-update. Kung mag-a-update ng app, humanap ng checkbox na maaring mapili upang awtomatikong mag-install ng pang-hinaharap na mga update.

Kung naka-setup ka na awtomatikong makatanggap ng mga update at binago ng app ang impormason sa paraan na gusto nitong ma-acces ang iyong telepono, makakatanggap ka ng abiso na manwal na update at kailangan na repasuhin at tanggapin ang bagong mga permiso. Ang mga pagbabago sa mga permiso ay nakalista sa pahina ng permiso ng app. Repasuhin ang mga permiso, at kung sumasang-ayon ka, pindutin ito Tanggapin. Gamitin ang awtomatikong mga update para sa mga app mula sa maasahang pinagkukunan.