Maaari mong kontrolin kung gaano kadalas nagsi-sync ang telepono mo sa iyong mga account. Kakailanganin mong balansehin ang pagiging napapanahon (mga madalas na pag-sync) sa paggamit ng data at tagal ng baterya (hindi madalas na mga pag-sync).
Mga antas ng kontrol:
Kung i-o-off mo ang auto-sync, kakailanganin mong mag-sync nang manu-mano upang mangolekta ng mga update sa mensahe, email at kalendaryo; hindi ka ino-notify kapag may bagong impormasyong available upang i-sync.
Pumunta sa Mga Setting > Mga Account, at pindutin ang uri ng account.
: nangangahulugan ito na ang ilan o lahat ng impormasyon ng isang account ay naka-configure na mag-auto-sync.
: nangangahulugan ito na hindi mag-o-auto-sync ang isang account.
Pindutin ang pangalan ng account para makita at i-on/i-off ang mga uri ng impormasyon ng account para mag-sync.
Kapag nag-off ka ng opsyon, hindi nawawala ang impormasyon mula sa iyong telepono; hindi lamang ito kasama sa pag-sync sa bersyon na nasa web.