Kung may iPhone ka

Welcome sa Android! Nailipat mo na ang iyong mga contact at kaganapan sa kalendaryo I-migrate sa app, 'di ba? Kung gayon pag-usapan natin ang kaibahan sa pagitan ng iyong lumang iPhone at ang iyong bagong telepono.

Mga App

Paalam Apple App Store, hello Google Play Store. Play Storeang default app store mo na ngayon. Ang mga app na hindi magkatugma sa pagitan ng iPhone at Android. Gayunpaman, maraming developer ang gumagawa ng mga bersyon ng iPhone at Android ng kanilang mga app; kung tinatago ng mga app store ang iyong data sa online, maari kang lumipat nang madali. I-download lang ang bersyon na Android mula sa Play Store at mag-log in.

Kapag ginamit mo ang “Huwag Gambalain” na tampok sa iPhone, ngayon gamitin mo ang Mga Paggambala na tampok at ang Assist na app. Awtomatikong pinapatahimik ng app ang iyong telepono kapag ikaw ay nasa mga pagtitipon o sa oras ng gabi na iyong tinukoy.

Home screen

Sa iyong lumang iPhone, nasa malayong kaliwa ang iyong home screen. Ngayon, ang iyong home screenmagsisimula bilang gitna ng limang pahina.

Ipinakita ng iyong lumang telepono ang lahat ng mga app sa iyong home screen. Sa iyong bagong telepono, maari kang maglagay ng mga shortcuts sa iyong pinakamahalagang mga app sa iyong home screen para sa mas mabilis na pag-access. O, hanapin ang iyong buong listahan sa pagpindot sa . Binabakante nito ang iyong home screen para sa mga widget, ginagawang mas may buhay ang iyong bagong home.

Mga Widget

Ang Android at iPhone ay parehong may app na icon, pero may mga widget din ang Android. Ang mga widget ay parang maliliit na app sa iyong home screen na interactive o nagbibigay ng impormasyon sa iyo. Halimbawa, maaaring magbigay ng update sa panahon ang mga widget o mga kaganapang paparating.

Mga Abiso

Gaya ng luma mong iPhone, makikita mo ang mga abiso sa itaas ng screen, na maari mong i-swipe pababa para repasuhin. Pero sa bago mong telepono, maari mong i-swipe ang mga ito pakaliwa o pakanan para i-dismiss ang mga ito. Gayundin, gamit ang dalawang daliri gamit ang dalawang daliri sa halip na isa, at mahahanap mo ang I-ON/I-OFF mag-toggle para sa airplane mode, Wi-Fi, at ilang iba pang mga mahalagang setting.

Sa cloud

Ang iyong Google account ang susi sa cloud storage sa Google. Kung inilipat mo ang iyong mga contact sa iyong telepono, kung gayon maaari mong makita ang mga ito mula sa anumang device o computer sa pamamagitan ng pag-log in Gmail. Ang iyong Google account ay may mga app tulad ng Kalendaryo at Drive na nagpapahintulot sa iyo na magkipagtulungan sa iba. At may app na nagpapahintulot sa iyo na maglaro rin - i-access ang iyong mga larawan, mga video, musika mula sa anumang device kapag nag-log in sa iyong Google account. Gamitin ang Google Play Music, para mag-upload ng sa iyong iTunes library.

Magagandang bagay na hindi mo nagagawa dati

  • Google Nowbinibigay sa iyo ang tamang impormasyon sa tamang oras. Awtomatikong dumarating ang panahon, trapiko, mga schedule ng tren, kahit ang mga pinakahuling score, na lumalabas sa buong araw kung kailan mo kailangan ang mga iyon.
  • I-install ang mga app mula sa malayo. Sa computer, biistahin ang play.google.com. Mag-browse sa mga app sa mas malaking screen at pagkatapos i-install ang mga ito sa telepono mo mula s iyong computer.

Maghanap

Maghanap gamit ang boses mo o iyong mga daliri.. Walang hangganan ang mga opsyon sa paghahanap. Gamit ang paghahanap sa Google, maaring mag-nabiga, magsalin-wika, magkalkula, makuha ang oras ng pelikula, at iba pa.